Maintenance gamit ang isang computer
Xperia™ Companion
Ang Xperia™ Companion ay isang software na serbisyong nagbibigay ng koleksyon ng
mga tool at application na magagamit mo kapag ikinonekta mo ang iyong device sa
isang computer. Sa Xperia™ Companion, magagawa mong:
•
I-update o ayusin ang software ng iyong device.
•
Maglipat ng nilalaman mula sa iyong device gamit ang Xperia™ Transfer.
•
Mag-back up at magbalik ng nilalaman sa iyong computer.
•
Mag-sync ng nilalamang multimedia – mga larawan, video, musika at playlist - sa pagitan
ng iyong device at ng computer.
•
Mag-browse ng mga file sa iyong device.
Para magamit ang Xperia™ Companion, kailangan mo ng computer na nakakonekta sa
Internet na gumagamit ng isa sa mga sumusunod na operating system:
•
Microsoft
®
Windows
®
7 o mas bago
•
Mac OS
®
X 10.11 o mas bago
Matuto nang higit pa at i-download ang Xperia™ Companion for Windows sa
http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion/ o Xperia™ Companion for Mac
sa http://support.sonymobile.com/tools/xperia-companion-mac/.
Pamamahala ng mga file gamit ang isang computer
Gumamit ng koneksyon sa USB cable sa pagitan ng isang Windows
®
computer at ng
iyong device upang ilipat at pamahalaan ang iyong mga file.
Sa sandaling magkakonekta na ang dalawang device, maaari mong piliin kung gusto
mong i-charge ang iyong device, maglipat ng mga file, gamitin ito bilang isang power
supply o gamitin ito para sa MIDI input. Made-detect ng iyong computer ang iyong
device kapag napili mo ang connection mode na
Maglipat ng mga file (MTP). Ang
default na connection mode ay naka-set sa
Pagcha-charge lang.
39
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Gamit ang Xperia™ Companion, maaari mong i-access ang file system ng iyong device.
Kung hindi naka-install sa iyo ang Xperia™ Companion, hihilingin sa iyong i-install ito
kapag nakonekta mo ang iyong device sa computer.
Palaging gumamit ng USB cable na inilalaan para sa partikular na modelo ng iyong Xperia™ at
tiyaking tuyo ito.
USB connection mode
Maaari mong gamitin ang
Maglipat ng mga file (MTP) connection mode para sa
pamamahala ng mga file at pag-a-update ng software ng device. Ginagamit ang USB
mode na ito sa mga Microsoft
®
Windows
®
computer. Pinapagana ang pagcha-charge
bilang default.
Upang baguhin ang USB connection mode
1
Magkabit ng USB connector sa iyong device.
2
I-drag pababa ang Status bar, at pagkatapos ay tapikin ang
Pagcha-charge lang.
3
Tapikin ang
Maglipat ng mga file (MTP) o MIDI kung kinakailangan.