Sony Xperia E5 - Paggamit ng mga serbisyo ng lokasyon

background image

Paggamit ng mga serbisyo ng lokasyon

Pinapayagan ng mga serbisyo sa lokasyon ang mga application gaya ng Mga Mapa at

ng camera na gumamit ng impormasyon mula sa mga mobile at Wi-Fi network pati na rin

ang impormasyon sa Global Positioning System (GPS) upang matukoy ang iyong

tinatayang lokasyon. Kung wala kang line of sight sa mga GPS satellite, maaaring tukuyin

ng iyong device ang iyong lokasyon gamit ang function ng Wi-Fi. Gayundin, kung wala ka

sa range ng isang Wi-Fi network, maaaring tukuyin ng iyong device ang iyong lokasyon

gamit ang iyong mobile network.
Upang gamitin ang iyong device sa pag-alam kung nasaan ka, kailangan mong

paganahin ang mga serbisyo ng lokasyon.

Maaari kang magkaroon ng mga singil sa koneksyon ng data kapag kumonekta ka sa Internet

mula sa iyong device.

Upang paganahin o hindi paganahin ang mga serbisyo sa lokasyon

1

Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Lokasyon, pagkatapos ay tapikin ang

switch na i-on at i-off upang paganahin o i-disable ang mga serbisyo ng lokasyon.

Pagpapabuti ng katumpakan ng GPS

Sa unang pagkakataon na gamitin mo ang function na GPS sa iyong device, maaaring

tumagal ito ng ilang minuto bago mahanap ang iyong lokasyon. Para makatulong sa

paghahanap, tiyaking natatanaw mo ang langit. Tumayo at huwag gumalaw, at huwag

takpan ang GPS antenna (ang naka-higlight na lugar sa imahe). Maaaring tumagos ang

GPS signal sa mga ulap at plastic, ngunit hindi sa karamihan ng mga solidong bagay

gaya ng mga gusali at bundok. Kung hindi mahanap ang iyong lokasyon makalipas ang

ilang minuto, lumipat sa ibang lokasyon.