Kalendaryo at alarm clock
Kalendaryo
Gamitin ang application na Kalendaryo para pamahalaan ang iskedyul ng iyong oras.
Kung nag-sign in ka at nag-sychronize ng iyong device sa isa o higit pang online na
account na may kasamang mga kalendaryo, halimbawa, ang iyong Google™ account o
Xperia™ sa Facebook account, lalabas din ang mga kaganapan sa kalendaryo mula sa
mga account na ito sa application na Kalendaryo. Maaari mong piliin kung aling mga
kalendaryo ang gusto mong isama sa pinagsamang view ng Kalendaryo.
Kapag malapit na ang oras ng appointment, magpe-play ang iyong device ng tunog ng
notification para paalalahanan ka.
1 Magbago ng mga setting, pumili ng uri ng view at mga kalendaryo na gusto mong tingnan
2 Bumalik sa kasalukuyang petsa
3 I-access ang iba pang mga opsyon
4 Mag-flick pakaliwa o pakanan upang makapag-browse nang mas mabilis
5 Magdagdag ng kaganapan sa kalendaryo
Upang matuto nang higit pa tungkol sa Kalendaryo
•
Kapag nakabukas ang application na Kalendaryo, i-drag ang kaliwang gilid ng
screen patungo sa kanan, pagkatapos ay hanapin at tapikin ang
Tulong.