Pag-syncronize sa mga online account
I-synchronize ang iyong device sa mga contact, email, mga kaganapan sa kalendaryo at
iba pang impormasyon mula sa mga online account, halimbawa, mga email account
gaya ng Gmail™ at Exchange ActiveSync, Facebook™, Flickr™ at Twitter™. Awtomatiko
kang makakapag-synchronize ng data para sa ganoong mga account sa pamamagitan
ng pag-aktibo sa function na auto-sync. O kaya, magagawa mong i-synchronize nang
manu-mano ang bawat account.
Upang mag-set up ng online na account para sa pag-synchronize
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang
Mga setting > Mga account at pag-sync > Magdagdag ng account,
pagkatapos ay piliin ang account na gusto mong idagdag.
3
Sundin ang mga tagubilin sa paggawa o pag-sign sa isang account.
Upang manu-manong mag-synchronize sa isang online na account
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang >
Mga setting > Mga account at pag-
sync .
2
Tapikin ang pangalan ng account kung saan mo gustong mag-synchronize.
Lalabas ang isang listahan ng mga item na nagpapakita kung ano ang maaaring
ma-synchronize sa account.
3
Tapikin ang switch na naka-on/naka-off sa tabi ng item na gusto mong i-
synchronize.
Upang mag-alis ng online na account
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang >
Mga setting > Mga account at pag-
sync .
2
Tapikin ang pangalan ng account na gusto mong alisin.
3
Tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang
Alisin ang account.
4
Tapikin muli ang
Alisin ang account upang kumpirmahin.