Bakit kailangan ko ng Google™ account?
Gumagana ang iyong Xperia™ device mula sa Sony sa Android™ platform na ginawa ng
Google™. May iba't ibang available na application at serbisyo ng Google™ sa iyong
device kapag binili mo ito, halimbawa, ang application na Gmail™, Google Maps™,
YouTube™ at Play Store™, na nagbibigay sa iyo ng access sa online store ng Google
Play™ para sa pagda-download ng mga Android™ application. Upang masulit ang mga
serbisyong ito, kailangan mo ng Google™ account. Halimbawa, binibigyang-daan ka ng
Google™ account na gawin ang lahat ng sumusunod:
•
Mag-download at mag-install ng mga application mula sa Google Play™.
•
I-synchronize ang iyong email, mga contact at kalendaryo gamit ang Gmail™.
•
Makipag-chat sa mga kaibigan gamit ang application na Hangouts™.
•
I-synchronize ang history ng iyong pagba-browse at mga bookmark gamit ang web
browser na Google Chrome™.
•
Patunayan na ikaw ang awtorisadong user pagkatapos ng pag-aayos ng software gamit
ang Xperia™ Companion.
•
Malayuang hanapin, i-lock o i-clear ang isang nawawala o nanakaw na device gamit ang
mga serbisyo ng my Xperia™ o Android™ Device Manager.
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa Android™ at Google™, pumunta sa
http://support.google.com
.
Mahalagang tandaan mo ang username at password ng iyong Google™ account. Sa ilang
sitwasyon, maaaring kailanganin mong patunayan ang iyong sarili para sa mga dahilang
panseguridad gamit ang iyong Google™ account. Kung hindi mo maibibigay ang iyong
username at password sa Google™ sa mga naturang sitwasyon, mala-lock ang iyong device.
Isa pa, kung mayroon kang higit sa isang Google™ account, siguraduhing ipasok ang mga
detalye para sa nauugnay na account.
9
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang mag-set up ng Google™ account sa iyong device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Mga account at pag-sync > Magdagdag ng
account > Google.
3
Sundin ang wizard sa pagrerehistro upang gumawa ng Google™ account o mag-
sign in kung mayroon ka nang account.
Maaari ka ring mag-sign in sa, o gumawa ng, Google™ account mula sa gabay sa pag-set up
sa unang beses na binuksan mo ang iyong device. O kaya naman, maaari kang mag-online at
gumawa ng account sa
www.google.com/accounts
.
Upang mag-alis ng account sa Google™
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang
Mga setting > Mga account at pag-sync > Google.
3
Piliin ang Google™ account na gusto mong alisin.
4
Tapikin ang >
Alisin ang account.
5
Tapikin muli ang
Alisin ang account upang kumpirmahin.
Kung aalisin mo ang iyong Google™ account, hindi na magiging available ang anumang mga
panseguridad na feature na nauugnay sa iyong Google™ account.
Kung ipapahiram mo ang iyong device sa isang tao at gagamitin niya ito nang matagal,
inirerekomenda na gumawa ka ng account para sa bisitang user at magtakda ng lock ng
screen upang protektahan ang sarili mong user account.
10
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.