Pagbubukas ng iyong device sa unang pagkakataon
Inirerekomendang i-charge mo ang baterya nang hindi bababa sa 30 minuto bago i-on
ang iyong device sa unang pagkakataon. Magagamit mo pa rin ang iyong device habang
nagcha-charge ito, tingnan ang
Pagcha-charge ng iyong device
sa pahinang 35.
Sa unang pagkakataong bubuksan mo ang iyong device, tutulungan ka ng gabay sa
pag-setup sa pag-configure ng mga pangunahing setting, pag-personalize ng iyong
device at pag-sign in sa iyong mga account (halimbawa, sa iyong Google™ account).
8
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang i-on ang device
Tiyakin na ang baterya ay na-charge nang hindi bababa sa 30 minuto bago mo i-on ang device
sa unang pagkakataon.
1
Pindutin nang matagal ang power key hanggang sa mag-vibrate ang device.
2
Ipasok ang PIN ng iyong SIM card kapag hiniling, pagkatapos ay tapikin ang
.
3
Maghintay sandali upang bumukas ang device.
Ang unang PIN ng iyong SIM card ay mula sa iyong network operator, ngunit maaari mo itong
palitan sa ibang pagkakataon mula sa menu ng Mga Setting. Upang magtama ng
pagkakamaling nagawa habang ipinapasok ang PIN ng iyong SIM card, tapikin ang
.
Upang isara ang device
1
Pindutin at tagalan ang power key na hanggang sa magbukas ang menu ng
mga opsyon.
2
Sa menu na mga opsyon, tapikin ang
Pag-off ng power.
Maaaring tumagal nang ilang saglit bago mag-shut down ang device.