Sony Xperia E5 - Pagbubuo

background image

Pagbubuo

Mga nano SIM card lang ang sinusuportahan ng iyong device.

Upang ikabit ang nano SIM card

Huwag i-drag palabas ang label tray kasama ng lagayan ng SIM card.

7

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.

background image

1

Buksan ang takip ng slot ng nano SIM/memory card.

2

Gamit ang iyong kuko, hilahin palabas ang lalagyan ng nano SIM card.

3

Ilagay nang maayos ang nano SIM card sa tamang ayos tulad ng ipinapakita sa

larawan.

4

Tiyaking nakalagay nang pahiga ang card sa lalagyan.

5

Ilagay ang lalagyan sa slot, pagkatapos ay isara ang takip.

Kung hihilahin mo palabas ang lalagyan ng nano SIM card habang naka-on ang device,

awtomatikong magre-restart ang device.

Upang magkabit ng memory card

1

Buksan ang cover para sa mga slot ng nano SIM card at memory card.

2

Ilagay ang memory card sa slot ng memory card, pagkatapos ay itulak ang

memory card papasok sa slot hanggang sa may marinig kang tunog na pag-click.

3

Isara ang cover.

Siguraduhing ikabit ang memory card sa tamang oryentasyon.

Upang alisin ang nano SIM card

Huwag i-drag palabas ang label tray kasama ng lagayan ng SIM card.

1

Buksan ang takip ng slot ng nano SIM/memory card.

2

Gamit ang iyong kuko, hilahin palabas ang lalagyan ng nano SIM card.

3

Alisin ang nano SIM card, pagkatapos ay ipasok ulit ang lagayan.

4

Ilagay ang lalagyan sa slot, pagkatapos ay isara ang takip.

Kung hihilahin mo palabas ang lalagyan ng nano SIM card habang naka-on ang device,

awtomatikong magre-restart ang device.

Upang alisin ang memory card

1

I-off ang device o kaya ay i-unmount ang memory card mula sa

Mga setting >

Storage at memory > > Advanced > Imbakan > sa tabi ng SD card,

pagkatapos ay buksan ang takip para sa mga slot ng nano SIM card at memory

card.

2

Pindutin papasok ang memory card at pagkatapos ay bitawan ito agad.

3

I-drag nang tuluyan palabas ang memory card at alisin ito.

4

Isara ang takip.