Tungkol sa User guide na ito
Ito ang
Xperia™ E5 User guide para sa bersyon na Android™ 6.0 software. Kung hindi
ka sigurado kung aling bersyon ng software ang pinapatakbo ng iyong device, maaari
mo itong tingnan sa menu ng Mga Setting.
Ang mga update sa system at application ay maaaring magpakita ng mga feature sa iyong
device sa paraang naiiba sa paglalarawan sa User guide na ito. Ang Android™ na bersyon ay
maaaring hindi maapektuhan sa isang update. Para sa higit pang impormasyon tungkol sa
mga update sa software, tingnan ang
Pag-update sa iyong device
sa pahinang 38.
Upang i-check ang kasalukuyang bersyon ng software ng iyong device
1
Mula sa iyong Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Mga Setting > Tungkol sa telepono > Bersyon ng
Android™.
Para makita ang model number at pangalan ng iyong device
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang .
Ipinapakita ang model number at pangalan ng device.
Mga limitasyon sa mga serbisyo at feature
Ang ilan sa mga serbisyo at feature na inilarawan sa Gabay sa user na ito ay maaaring
hindi sinusuportahan sa lahat ng bansa o rehiyon, o ng lahat ng network at/o service
provider. Ang GSM International Emergency Number ay maaaring gamitin anumang oras
sa lahat ng bansa, rehiyon, network at ng lahat ng service provider, basta't nakakonekta
ang device sa mobile network. Mangyaring makipag-ugnayan sa iyong service provider
upang matukoy ang pagiging available ng anumang partikular na serbisyo o feature at
kung may mga nalalapat na karagdagang bayarin sa pag-access o paggamit.
Ang paggamit ng ilang partikular na mga tampok at application na inilarawan sa gabay
na ito ay maaaring mangailangan ng access sa Internet. Maaari kang makaipon ng mga
singil sa koneksyon ng data kapag kumonekta ka sa Internet gamit ang iyong device.
Makipag-ugnayan sa iyong wireless service provider para sa higit pang impormasyon.