Mga Widget
Ang mga widget ay maliliit na application na direkta mong magagamit sa iyong Home
screen. Gumagana rin ang mga ito bilang mga shortcut. Halimbawa, nagbibigay-daan sa
iyo ang widget ng Panahon na makita nang direkta sa iyong Home screen ang
pangunahing impormasyon sa panahon. Ngunit kapag tinapik mo ang widget, bubukas
ang buong application na Panahon. Maaari kang mag-download ng mga karagdagang
widget mula sa Google Play™.
Upang magdagdag ng widget sa Home screen
1
I-touch nang matagal ang isang bakanteng bahagi ng iyong Home screen
hanggang sa mag-vibrate ang device, pagkatapos ay tapikin ang
Mga Widget.
2
Hanapin at tapikin ang widget na gusto mong idagdag.
Upang baguhin ang laki ng widget
1
Pindutin nang matagal ang widget hanggang sa mag-vibrate ang device,
pagkatapos ay bitawan ang widget. Kung maaaring baguhin ang laki ng widget,
halimbawa, ang widget ng Calendar, may lalabas na na-highlight na frame at mga
dot sa pagbabago ng laki.
2
I-drag ang mga dot paloob o palabas upang paliitin o palawakin ang widget.
3
Upang kumpirmahin ang bagong laki ng widget, tumapik saanman sa Home
screen.
Upang ilipat ang isang widget
•
Pindutin nang matagal ang widget hanggang sa mag-vibrate ang device,
pagkatapos ay i-drag ito papunta sa bagong lokasyon.
Upang mag-alis ng widget
•
Pindutin nang matagal ang widget hanggang sa mag-vibrate ang device,
pagkatapos ay i-drag ito papunta sa
Alisin sa home screen.